43

Apr 28, 2020 @ 13:12
By

Isyu kaugnay ng sulat ni Gen. Santos, kalimutan na lang -Lorenzana

Inamin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Felimon Santos Jr. ang pagsulat nito kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian para tulungan siya makakuha ng gamot na panlaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Subalit paliwanag ni Santos na agad niyang ni-recalled ang kanyang request matapos na malaman na ang gamot na “Carrimycin” tablet ay hindi pa aprubado para gamot sa COVID-19.

Base sa laman ng sulat na may letterhead ng AFP Chief of Staff, humihingi si Santos ng tulong kay Huang Xilian para makakuha ng 5 kahon ng Carrimicyn tablet na nabibili sa China.

Ayon pa kay Santos, ang nasabing gamot ay kanyang ininom nang magpositibo siya sa COVID-19.

Matatandaang si Santos ay nagpositibo sa COVID-19 nitong Marso 27 at nag-quarantine sa kanyang bahay sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Abril 5 nang muli siyang sumailalim sa ikalawang COVID-19 test at negatibo na ang resulta ng pagsusuri.

Naniniwala si Santos na malaki ang naitulong ng nasabing gamot sa mabilis niyang paggaling sa COVID-19 at plano sana niyang ipainom din ang gamot sa kanyang malapit na kaibigan na may COVID-19.

Samantala ayon naman kay Defense Secretary Defin Lorenzana, wala siyang nakikitang mali sa pagsulat ni Santos sa Chinese Ambassador upang humingi ng tulong sa pagbili ng Carrimycin tablets, para sana sa kanyang kaibigan na may COVID-19 subalit binawi rin ang sulat matapos malaman na hindi pa aprubado ng DFA ang pagamit ng nasabing gamot dito sa Pilipinas.

“General Santos was infected with COVID and, although asymptomatic, went through the fear and anguish of being infected with a deadly virus. One of the medicines he took was Carrymicin, which was given to him by a Fil-Chinese friend and accordingly this medicine is controlled by the Chinese government. What is wrong with wanting to help those infected with COVID?”, pahayag ni Lorenzana sa kanyang statement kahapon.

“The letter may have been out of place, i.e., should have been coursed through the DFA. He had not violated any regulations nor imperiled the security of the country.
Let us put the matter to rest”, dagdag pa ni Lorenzana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?