140

By

Isusunod ko na kayo! – Digong sa mga Cebu PDEA agent na sangkot sa droga

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na isusunod nitong harapin ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cebu kaugnay sa kampanya kontra iligal na droga.

Sinabi ni Duterte na sa panahon pa lamang ng kampanya ay sinabi nitong ayaw niya sa iligal na droga at huwag pumasok sa ganitong uri ng gawain.

Pero matigas aniya ang ulo ng mga taga-gobyerno at itinuloy pa rin ang iligal na transaksiyon .

“I told you I don’t want drugs. Now look. I told you not to enter into drugs, but you still did. Even workers of government here, the PDEA, you son of a bitch! You even got yourselves entangled there. I will go after you next,” ang galit na pahayag ng Pangulo.

Lalong napasama aniya ang imahe ng mga law enforcers sa Cebu dahil ang mga pulis at PDEA ay sangkot sa illegal drug trade.

“The police, that’s what makes it bad. That’s why some things are difficult for us because even the PDEA and the police are involved in the trade,” dagdag ng Pangulo. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?