245

Sep 25, 2019 @ 15:00
By

Isusunod kita! – Porter kay Pacquiao

Target ni WBC welterweight champion Shawn Porter na isunod sa kanyang magiging laban si Senator Manny Pacquiao pagkatapos ng bakbakan nila ni undefeated IBF champion Errol Spence sa Linggo [Manila Time] sa Los Angeles, California.

“Errol Spence is a fighter that does that for me and that’s where I want to be at,” tila pagyayabang pa nito na sisikat at panigurong mapapabagsak ang kalaban kaya ang Pambansang Kamao ang sunod na nasa listahan nito.

“The fights that matter to me are the ones that will make me the best welterweight on the planet, and that starts with Errol Spence in my next fight. After that I’d like to take on Manny Pacquiao” taas noong pahayag ni Porter sa Sky Sports.

Para sa 31-anyos na American boxer, nakatuon lamang ang pansin niya kina Spence at kay fighting senator na ngayon ay WBA (super) champion pagkatapos nakawin ang ang belt sa noon ay undefeated champ na si Keith ‘One Time’ Thurman.

Sa kasalukuyan ay may 30-2-1, 17 knockouts panalo-talo kartada si Porter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?