13

Nov 18, 2021 @ 17:48
By

Isolation ward pinasara; COVID-19 case sa Laguna, bumaba na

Pasamantalang isinara ang pangunahing COVID-19 isolation ward sa Cabuyao, Laguna dahil wala nang pasyente ang dinadala dito.

Bumaba na sa 6 ang bilang ng pasyente sa pasilidad na dating aabot sa 400 na tao.

Ayon sa pahayag ni Laguna Provincial Health Officer, Dr. Rene Bagamasbad, itinalaga muna sa mga vaccination center ang mga nagbabantay sa isolation ward upang tumulong sa pagbabakuna ng mga residente.

Dagdag pa niya, naging maluwag na rin pati ang mga ospital.

Aniya, naging malaking tulong ang bakuna laban sa coronavirus sa pagbaba ng mga kaso sa lugar.

Nasa 380 na lang ang active COVID-19 cases sa Laguna na dating umaabot sa higit 10,000 noong Setyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?