538

Oct 16, 2017 @ 14:04

Isnilon Hapilon, Omar Maute napatay sa 4 na oras na bakbakan – AFP

Nasawi sa apat na oras na matinding bakbakan sina Isnilon hapilon at Omar Maute sa nagpapatuloy sa lungsod ng Marawi, ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Sabi ni AFP Chief of Staff General Eduardo Ano alas-2:00 ng madaling araw kanina ng magsimula ang matinding sagupaan sa main battle area na nagtapos ng alas-6:00 ng umaga kanina.

Pupunta lang daw sana sa dalawang gusali sa lungsod kung saan nakitang patay ang dalawang lider ng Maute ISIS para i-rescue ang mga bihag pero nagkaroon ng matinding bakbakan.

Sa matinding bakbakan hindi lamang hapilon at Omar ang napatay may limang terorista ang nalagas sa mga kalaban.

Nilinaw naman ni General Ano na mga sundalong Pinoy ang kasama sa matinding sagupaan kanina at walang partisipasyon ang Estados Unidos.

Sinabi naman ni Defense Secretary Lorenzana na ngayon ay tinutugis na lamang ng militar sa main battle area ang Malaysian Terrorist na si Mahmud Ahmad. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?