101

Dec 7, 2017 @ 13:16
By

Isnabero kasi! Ilang kongresista nabuwisit kay Bato

Kinastigo ng mga kongresista si PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa pag-iisnab sa pagdinig ng House committees on games and amusement at public order and safety kaugnay ng pagkakasangkot ng ilang pulis sa operasyon ng iligal na sugal.

Dismayado ang mga chairman ng dalawang komite na sina Parañaque Rep. Gus Tambunting at Antipolo Rep. Romeo Acop dahil nagpadala lamang ang PNP ng deputies sa hearing na hindi pa kumatawan kay dela Rosa.

Puna ng mga ito, halatang hindi siniseryoso ni dela Rosa ang patawag ng Kamara.

Sabi ni Acop, sa susunod na padalhan nila ng imbitasyon ang PNP Chief ay strongly worded na.

“Bina-balewala ninyo yata ang imbitasyon ng Congress,” pahayag ni Acop.

Napabalitang nasa New York si dela Rosa para sa isang anti-terrorism conference.

Bukod sa imbestigasyon sa pagkakasangkot ng ilang pulis sa illegal numbers game, layon rin ng pagdinig ng dalawang komite na linawin ang panuntunan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pinalawak na Small Town Lottery (STL) operations sa buong bansa.

“This meeting was basically called just for a briefing on the issue of STL because the PCSO always has been stating that the reason why they are having a difficult time in raising revenues is because of the not so cooperative PNP personnel on the ground,” ayon kay Tambunting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?