120

Feb 22, 2018 @ 13:34

Iskor ng PHL sa world corruption index, bagsak

Nakakuha ng pinakamababang marka sa a global corruption ranking ang Pilipinas sa loob ng limang taon.

Ayon sa Corruption Perception Index (CPI) na isinapubliko nitong Miyerkoles, pumuwesto na ika-111 ang Pilipinas sa 180 bansa na sinurvey noong 2017, na nagtala ng 34 sa 100 iskoring.

Huling nakakuha ng mababang marka ang Pilipinas noong 2012 kung saan pumusisyon ito na ika-101 sa iskor na 35.

Kasama rin ng Pilipinas ang India at Maldives bilang “worst regional offenders” kung pagbabasehan ang banta laban sa o pagpatay sa journalists, mga aktibista, lider ng oposisyon at maging sa mga opisyal ng law enforcement o watchdog agencies.

Gumamit ito ng 0 hanggang 100 scale, kung saan ang 0 ay ang highly corrupt habang 100 naman ang malinis sa korapsiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?