187

By

Isko walang ambisyon na tumakbo sa pagka-pangulo

Hindi umano pumapasok sa isipan ni Manila Mayor Isko Moreno na tumakbo sa pagka-Pangulo at nakapokus siya sa mandatong ibinigay sa kanya ng mga Manilenyo.

Dagdag pa niya, kahit pa matapos na ang termino niya sa pagka-alkalde, pagtuturo ang gusto niyang pasukin.

“Hindi pumapasok sa isipan ko. In fact, after ko mag-mayor magtuturo ako. Honestly, I have been teaching lectures sa local governments. Mase-share ko ‘yung karanasan more than academic provisions syllabus and laws of Local Government Code,” aniya.

Nitong Sabado ininspeksyon niya ang Estero San Antonio Abad sa Barangay 718 sa Malate, Manila.

Sinabi rin ni Moreno na wala siya sa kalingkingan ni dating Manila Mayor Arsenio Lacson matapos siyang ikumpara rito.

“Incomparable” umano sila at nakakahiya sa dating mayor kung nabubuhay pa ito na ikumpara sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?