22

Oct 15, 2020 @ 14:40
By

Isko umapela sa Simbahan: Planuhin na ang Simbang Gabi

Hiniling ni Manila Mayor Isko Moreno sa Simbahang Katoliko na planuhin nang maaga at maayos ang pagdaraos ng Simbang Gabi upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan laban sa COVID-19.

“Maghanda ng mga pamamaraan na matuloy pa rin ang ating mga pamana katulad ng bilang ng mga Katoliko sa darating na Simbang Gabi,” pahayag ni Moreno sa panayam sa kanya sa “24 Oras”.

“Ako rin naman nananawagan sa mga mamamayan. I want them also to be responsible enough to understand the gravity of the situation,” dagdag pa ng alkalde.

Sang-ayon naman si Quiapo Church parochial vicar Fr. Douglas Badong sa panawagan ni Mayor Isko at inilahad na handa ang kanilang simbahan na magpatupad ng mas istriktong health protocols para mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayang dadalo sa Simbang Gabi.

“Kung kinakailangang mag-adjust ng simbahan sa mga misa, gagawin ng simbahan ‘yon pero sadyang hindi natin mapipigilan na hindi tayo magdiwang,” pahayag ni Fr. Badong.

Samantala, ipinaalala rin ni Moreno ang kahalagahan ng maagang pagpaplano sa mga aktibidad gaya ng Simbang Gabi.

“I am appealing sa mga lider ng Simbahan, we are trying to be ahead of things because there are some things that we cannot control pero puwede namang iwasan,” ani Moreno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?