119

Sep 14, 2021 @ 19:44
By

Isko tutol gawing subdivision mga lupang taniman

Hindi dapat i-convert ang mga lupaing pang-agrikultura bilang subdivision, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno.

Tugon ito ni Moreno sa pangamba ng ilang magsasaka ukol sa land development.

Sinabi niya sa mga magsasakang mula sa Federation of Free Farmers Cooperatives na suportado niya ang lahat ng development o kaunlaran ngunit hindi dapat maapektuhan ang paggawa ng suplay ng pagkain para sa bansa lalo ngayong may pandemya.

Dagdag niya, dapat matuto ang bansa na makagawa ng sarili nitong pagkain na sapat para sa mga mamamayan dahil kung hindi ay aasa lamang sa ibang bansa at sa presyuhan nito.

“If you don’t produce your own food, you will be dependent on the world prices. You don’t put your country in the hands of other organizations outside of your country,” paliwanag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?