836

Jul 2, 2019 @ 22:21
By

Isko sinuhulan ng P5M kada araw para hindi ‘galawin’ ang Divisoria

Ibinunyag ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga pagtatangkang suhulan siya para tantanan ang mga illegal vendor sa Divisoria.

“May mga nagparating lang sa akin na mensahe na P5 million a day, kaya siguro mahirap linisin,” saad ni Moreno.

Bagama’t hindi aniya rekta sa kanya ang panunuhol, kilala niya ang mga organizer na nasa likod ng mga vendor.

Nitong Martes nagpatuloy ang clearing operations sa Divisoria kung saan binughaan pa ng tubig ng mga bumbero ang ilang kalye para tuluyang malinis hanggang sa drainage.

Samantala, nagreklamo naman ang mga naapektuhang vendor na marami aniyang nawalan ng trabaho sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?