145

Aug 5, 2021 @ 23:09
By

Isko sa wow mali DILG show cause order: #AlamNaThis

Nakarating na sa kaalaman ni Manila Mayor Isko Moreno ang inilabas na show cause order ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa kanya.

Sa show cause order, binigyan ng sampung araw si Moreno para tumugon at ipaliwanag kung bakit hindi dapat managot sa hindi umano pag-implementa ng war on drugs sa kanyang nasasakupan noong 2018 batay sa ginawa nilang pagsusuri sa 2018 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) performance audit.

Naging Manila mayor lamang si Moreno taong 2019.

Bunsod nito, napa-react si Moreno sa kanyang Facebook page at sinabing: “Wow Galing ha! Sunod sunod na! #AlamNaThis.”

https://www.facebook.com/iskomorenodomagoso/posts/372887010873990

Nitong Huwebes kinansela ni Moreno ang panunumpa sa Aksyon Demokratiko dahil sa nangyaring gulo sa ilang vaccination center sa Maynila nang dumagsa ang mga gustong magpabakuna.

Politika ang nakikitang dahilan ni Moreno sa pagsugod ng mga gustong magpabakuna kung saan hindi na nasunod ang social distancing.

“Eh, mukhang napasok na tayo ng mga bata ng mga politiko, eh. Ako may duda ako, may pinanggalingan, may idea na ako kung kaninong bata ‘yung mga pain, agitator,” pahayag ni Moreno sa Facebook Live.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?