43

Nov 24, 2020 @ 9:20

Isko sa punerarya, pulisya: Bawal uminom sa labas!

Nagbabala si Manila City Mayor Isko Moreno sa mga pulis at sa mga may-ari ng punerarya hinggil sa pag-iinuman sa mga pampublikong lugar sa lungsod.

Inatasan ng alkalde sina Bureau of Permits Director Levi Facundo at Manila Police District Deputy District Director Col. Narciso Domingo na mag-ikot upang maaresto ang mga gusaling lalabag sa Ordinance no. 5555.

Sa nasabing ordinansa, nakasaad na bawal sa Maynila ang pag-iinuman sa mga establisyimento na hindi kabilang sa mga restaurant, panciteria, carinderia, hotel o bar, gayundin sa kalsada o eskinita.

Winarningan din ni Moreno ang mga namumuno sa 13 police station sa lungsod na kung may lalabag sa nasabing ordinansa sa kanilang nasasakupan ay agad silang sisibakin sa kanilang tanggapan.

“Lahat ng punenaryang nagpapa-inom, we will revoke their permit. That is a blatant violation of Ordinance No. 5555. Walang exception na kapag may patay, pwedeng uminom. Walang exception na kapag may birthday, pwedeng uminom,” banggit ng alkalde.

“Kapag ako, umikot ng madaling araw at ako mismo, nakahuli at may violation — one-strike policy, tatanggalin natin ang Precint Commander, PCP o Outpost Commander. You will be out of Manila, you have no business in Manila.”

“Neglect to me is not petty. The job of the uniform personnel of the Manila Police District is to implement ordinances,” giit pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?