15

Apr 7, 2021 @ 22:10
By

Isko sa mga asymptomatic, mild patient: Huwag tumakbo sa ospital

Umapela si Manila Mayor Isko Moreno sa mga pasyenteng asymptomatic at mayroon lamang mild symptom ng COVID-19 na huwag magmadaling magtungo sa ospital.

“Kung me espasyo sa inyong bahay, kayo ay manatili sa isang isolation area sa inyong bahay. For now, gusto ko lang na tayo ay matuto na huwag tumakbo agad sa mga ospital nang hindi kayo ma-expose o mahirapan pa lalo,” pahayag ni Moreno sa Facebook Live kahapon.

Sinabi niya ito kasunod ng mga ulat na ilang ospital lalo na sa Metro Manila ang umabot na sa kritikal o full capacity.

Sakali aniyang walang espasyo sa bahay kung saan maaaring mag-quarantine ang COVID-19 patient ay maaari naman aniyang pumunta sa mga quarantine facility na may nakatalaga ring doktor at medical professional.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?