280

By

Isko sa Metrobank robbers: Sumuko na kayo kung mahal niyo sarili niyo

Umapela si Manila Mayor Isko Moreno sa limang lalaking nanloob sa branch ng Metrobank sa Binondo, Manila noong Huwebes na sumuko na ang mga ito.

“Panawagan ko, kayong lima, sumuko na kayo. Kung mahal ninyo ang inyong mga sarili, sumuko na kayo. ‘Yon lang naman,” sabi ni Moreno.

“Ang payo ko tumigil na kayo sa criminal activities. [Kung] hindi niyo pakinggan ang payo ko, ‘wag niyo namang gawin sa Maynila… Dahil kahit sa kasulok-sulukan ng mundong ito, hahanapin namin kayo,” dagdag pa niya.

Naglaan na umano ang local na pamahalaan ng P1 million reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para maaresto ang mga suspek.

Samantala, may limang “persons of interest” na ang kapulisan sa nangyari pero hindi pa umano batid ang halaga ng nakulimbat ng mga salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?