311

Nov 19, 2021 @ 15:32
By

Isko sa adik na presidentiable: Baka maging drug lord

Para kay Manila Mayor Isko Moreno, posibleng maging drug lord ang presidential aspirant na gumagamit ng droga.

“I cannot speak in behalf of other candidates, I can speak for myself. What is my moral ascendancy to go against drugs if I’m a drug user? Baka ako na maging drug lord kasi ako na presidente, ako pa gumagamit, baka ako na maging drug lord,” ani Moreno sa isang ulat.

“That’s very dangerous,” patuloy niya.

Kaugnay ito sa blind item ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, kung saan sinabi niyang isang tatakbong pangulo sa 2022 elections ang gumagamit ng cocaine.

Walang binanggit na pangalan ang Pangulo pero sinabi niyang isang “weak leader” ito na wala namang nagawa at sikat lang dahil sa pangalan ng ama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?