1,599

Oct 8, 2021 @ 17:31
By

Isko rumesbak sa #WithdrawIsko; binanatan si Robredo

Pumalag si Manila Mayor Isko Moreno sa trending hashtag na #WithdrawIsko matapos ang pagdedeklara ng presidential bid ni Vice President Leni Robredo.

Sa Twitter nanawagan ang mga netizen kay Moreno na umatras na lamang sa pagtakbong pangulo at maging vice president ni Robredo.

Pero giit ni Moreno, may karapatan siyang tumakbo.

“Karapatan ko rin naman tumakbo di ba. Akala ko ba nagra-rally sila ng demokrasya. Bakit ang demokrasya ba sila lang ang may-ari?” pahayag niya.

Binanatan din niya si Robredo.

“You cannot talk of unity eh you yourself hindi mo nga ma-unify sarili mo. You are not even proud of your party, oh my god. Kung kaya mong iwan ang mga kasama mo, paano pa kaming 110 million Filipinos?” aniya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?