175

Jun 11, 2021 @ 17:25
By

Isko, Ping hindi ‘oposisyon’ para kay Trillanes

Kung si dating senador Antonio Trillanes IV ang tatanungin, hindi bahagi ng oposisyon sina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Panfilo “Ping” Lacson.

Bago nito, tinanggihan na ni Lacson ang alok ng opposition coalition 1Sambayan para maging parte ng mga presidential nominee nito sa 2022 elections.

“I never considered Senator Lacson as part of the opposition. Because in major policies of Mister Duterte, ‘di ko naman siya nakita sa tabi ko nung nilalabanan ‘yung isyu na ‘yun,” saad ni Trillanes nang tanungin tungkol kay Lacson sa “The Chiefs” noong June 10.

“In fact, in most of them, andun siya. He was defending the Duterte policies. He may be criticizing every now and then some positions of Mr. Duterte, but in the major political battles we didn’t see him in our ranks,” dagdag niya.

Gayundin din daw ang tingin niya kay Moreno.

“Personally I don’t consider him part of the opposition based on the definition I made earlier. But, hindi naman ako nagde-decide sa 1Sambayan. They have a probably a more liberal definition of what is anti-Duterte or the opposition. So they have every right to include him. Kasi kami when we subjected ourselves to be part of this coalition, we subordinated selves to their wisdom and to their decision and rules. So ganyan po ‘yun,” paliwanag pa niya.

Matatandaang kabilang si Moreno sa initial choices ng 1Sambayan para sa pagka-presidente o bise presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?