141

Oct 13, 2021 @ 20:54
By

Isko pinagmalaking walang bahid ng korapsyon

Pinagmalaki ni Manila Mayor Isko Moreno na sa 23 taon niyang pagiging public official ay hindi siya nabahiran ng korapsyon.

Sa Kapihan sa Manila Bay Forum nitong Miyerkoles, inilantad din niya na kasalukuyang nasa P70 milyon ang net worth niya.

“As far as I am concerned, as of today, since 1998, 23 years of my life in government service, I was never charged of any corruption,” wika ni Moreno.

Nagsimula ang pagsabak niya sa politika nang mahalal na konsehal ng Maynila noong 1998.

Matapos ay nailuklok siyang vice mayor noong 2007.

Taong 2016 naman tumakbo siya sa pagka-senador ngunit natalo.

Itinalaga siya noon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman ng North Luzon Railways Corporation at undersecretary ng Department of Social Welfare and Development.

Nagwagi si Moreno na alkalde ng lungsod noong 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?