144

Oct 21, 2020 @ 22:59
By

Isko pinaalis mga ‘persona non grata’ tarpaulin vs CPP-NPA-NDF

Pinatanggal ni Manila Mayor Isko Moreno ang nagkalat na mga tarpaulin sa lungsod na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na persona non grata sa National Capital Region.

Ayon sa Manila Public Information Office, inilabas ni Moreno ang direktiba nitong Miyerkoles at nakiusap ng pagmamahalan ngayong pandemya.

“We spread love, not hate, in this time of pandemic,” sabi raw ni Moreno.

Naispatan ang mga tarpaulin na nagsasabing hindi welcome ang CPP-NPA-NDF sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ilan sa mga tarpaulin ay may logo ng Philippine National Police (PNP) at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Nauna nang sinabi ni PNP chief Gen. Camilo Cascolan na ang mga tarpaulin ay proyekto ng NTF-ELCAC sa koordinasyon sa mga komunidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?