186

Oct 7, 2021 @ 18:12
By

Isko, Pacquiao nilutang ng netizens sa Twitter

Trending topic ang mga presidential aspirant na sina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao dahil sa mga hashtag na #WithdrawIsko at #LetMannyLeadThePrayer ngayong Huwebes.

Habang sinusulat ang storyang ito ay mahigit 12,000 ang tweets sa naturang hashtag tungkol kay Moreno habang mahigit 6,000 naman ang para sa hashtag kay Pacquiao.

Para sa mga nagsasabing #WithdrawIsko, dapat bumaba ang alkalde sa pagiging bise presidente ni presidential aspirant Leni Robredo para mapag-isa ang oposisyon.

“Please Sir. Isko Moreno and Sir. Manny Pacquiao give way to VP Leni. Support her for the true change in our country,” saad ni @AljonSalibio.

“I will only vote for ISKO if and only if he’s the VP of our President Leni,” pahayag naman ni @RhamIlanoBotor.

Samantala, ginawa namang katawa-tawa ng mga netizen si Pacquiao sa #LetMannyLeadThePrayer.

“Sen. Manny, we need a great leader for our country not a prayer lead, please. We had enough vagueness from politicians. How are u going to help this country? By praying for us and telling us that God will provide???” wika ni @stormyjihyo

“nauurr if God is really good, he’ll never let you win the presidency for the betterment of our country lol,” pahayag ni @vsentius.

Sina Pacquiao at Moreno ay pawang mga kinausap ni Robredo para mapag-isa ang oposisyon sa darating na halalan. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?