58

Oct 13, 2021 @ 16:42
By

Isko nirerespeto pagbibitiw ng chief of staff

Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagre-resign ng kanyang chief of staff na si Cesar Chavez.

Sa Kapihan sa Manila Bay forum nitong Miyerkoles, sinabi ni Moreno na kalusugan ang dahilan ng pagbibitiw ni Chavez at nirerespeto niya ito.

“Nagkaroon siya ng health reason, that’s one. Two, he has to attend to his family, so ayaw kong nag-i-interfere kapag pamilya na eh, siyempre kaya ka nga naghahanapbuhay dahil sa pamilya mo eh, and I respect that,” wika ni Moreno.

Tumatakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections si Moreno at bitbit ang “Bilis Kilos” campaign. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?