5,636

Jul 15, 2019 @ 19:00
By

Isko nakakatanggap na ng mga death threat

Binunyag ng malapit kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagsimula na itong makatanggap ng mga banta sa buhay dahil sa pagsusumikap na linisin ang Maynila, dalawang linggo pa lang mula nang maupong alkalde.

Ayon kay Manila Councilor Manuel “Letlet” Zarcal, hindi naman ininda ng alkalde ang mga banta dahil bahagi umano ito ng kanyang trabaho.

“The mayor simply brushed aside the threat when the information was given to him, saying it comes with the territory. Sabi ni Mayor, hazards of the job daw ‘yun and only meant to derail his efforts to rid the city of illegal vendors and syndicated, ‘organized’ vending schemes,” aniya.

Hindi naman dinetalye ni Zarcal kung kanino nagmula ang mga banta pero maaaring galing umano ito sa matinding nasagasaan ni Moreno sa pagbabalik niya sa mga kalsada sa mga motorista na matagal nang dinomina ng mga vendor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?