114
Isko nagpasalamat sa mga taga-Maynila
By

Isko nagpasalamat sa mga taga-Maynila

Labis ang pasasalamat ni mayor-elect Isko Moreno sa mga residente ng Maynila matapos manaig sa mayoralty race sa katatapos na halalan.

Sa panayam sa kaniya sa 24-Oras sinabi ni Moreno na, “Sa lahat po ng mga taga-Maynila, maraming-maraming salamat po sa inyo. It’s a humbling experience, na na-overwhelm kami sa mandatong ipinagkaloob niyo sa amin.”

Aniya, masayang-masaya umano sila pero sinabihan niya ang kaniyang mga tagasuporta at volunteer na magpakababang-loob at magpatawad sa mga taong nanakit sa kanilang damdamin.

Gusto umano niyang pangasiwaan ang “unified” na mga tao ng siyudad ng Maynila.

“This is the time for healing. Tapos na po nagdesisyon na ang taumbayan at panahon namang tumugon sa mga kababayan,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?