148

Nov 21, 2021 @ 17:05
By

Isko nag-topless sa Payatas

Hiyawan ang mga miron sa Payatas, Quezon City ngayong Linggo matapos hubarin ni presidential aspirant Isko Moreno ang kanyang suot na t-shirt sa gitna ng pagbisita niya sa naturang lugar.

Ayon sa ulat, hinubad ni Moreno ang kanyang suot na damit dahil basang-basa na siya ng pawis sa kanyang pag-iikot sa lugar.

Gaya ng isang rockstar, pagkahubad ay binato pa niya sa mga miron ang damit.

Ang ilang mga netizen ay hindi natuwa sa pinakita ng Manila mayor, dahil tila pagbabalik daw ito sa kanyang unang propesyon.

Matatandaang bago naging politiko ay sumabak sa mga maalindog na pelikula si Moreno, kaya minsan na ring siyang binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?