21

Apr 8, 2021 @ 21:36
By

Isko muling namudmod ng mga food box

Sa ikatlong sunod na buwan ay nagsimula na muling magpamigay ng mga food box sa mga residente ang Manila City government.

Ang mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Engineering and Public Works at Department of Public Services ang namigay ng mga food box sa unang distrito ngayong Huwebes.

Bahagi ito ng Food Security Program ni Mayor Isko Moreno.

Bawat box ay naglalaman ng tatlong kilo ng bigas, 16 piraso ng de-lata at walong sachet ng kape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?