349
Isko Moreno nagbabala sa mga kriminal sa Maynila
May 15, 2019 @ 14:38
By

Isko Moreno nagbabala sa mga kriminal sa Maynila

Hindi pa man nauupo sa kanyang bagong posisyon, nagbabala na si Manila Mayor-elect Isko Moreno laban sa mga kriminal sa lungsod.

Sinabi ni Moreno na malas ng mga masasamang-loob dahil kabisado niya ang lahat ng eskinita sa Maynila at alam niya kung saan nagtatago ang mga kriminal.

Aniya, ngayon pa lang ay lumayas na ang mga ito sa Maynila kung hindi sila aayos.

Gayunman, wala naman aniyang dapat ipangamba ang mga ito dahil irerespeto niya ang kanilang karapatang-pantao sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Pag-aaralan aniya niya ang ulat na nagsasabing ang Maynila ang may pinakamataas na bilang na napapatay sa mga operasyon ng mga pulis.

Ayon pa kay Moreno, pangangalagaan nila ang karapatang-pantao ng mga inaakusahan pero hindi niya hahayaang mamayagpag ang mga kriminal at malagay sa panganib ang buhay ng mga pulis at iba pang alagad ng batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?