624

Oct 28, 2017 @ 9:59

Isko Moreno, nag-resign sa NLRC

Nagbitiw sa kanyang puwesto si Francisco Domagoso o mas kilala bilang “Isko Moreno” bilang miyembro ng Board of Directors at Chairman and Chief Executive Officer (CEO) ng North Luzon Railways Corporation (NLRC).

Sa kanyang sulat na ipinadala kay Pangulong Rodrigo Duterte na may petsang Oktubre 27, 2017, inilahad ni Moreno na personal na dahilan ang kanyang irrevocable resignation.

Nagpasalamat si Moreno kay Pangulong Duterte sa oportunidad na makapaglingkod sa kanyang administrasyon kahit iilang buwan pa lamang ito.

Marami aniya siyang natutunan sa dynamics ng national government lalo na ang pangangasiwa sa isang government-owned and controlled corporation.

“I am truly honored and deeply grateful for the opportunity to have served under your administration. The experience I have gained is indeed enriching and has taught me valuable knowledge about the dynamics of national government specifically running a government-owned and controlled corporation,” ang bahagi ng irrevocable resignation ni Moreno sa Pangulo.

“However, due to personal reason, I would like to tender my irrevocable resignation as member of the Board of Directors and as Chairman and Chief Executive Officer (CEO) of North Luzon Railways Corporation (NLRC) effective immediately,” dagdag pa nito.

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Moreno noong Hulyo 2017 at magtatapos sana ang termino nito sa Hunyo 30, 2018.

Siya ang inatasan na tumapos sa termino ni dating NLRC Chairman and CEO Jose Martin Aliling. (Aileen Taliping/Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?