743

By

Isko Moreno bagong mukha sa ‘etneb’ pesos

Ibinahagi ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang edited na litrato niya sa bente pesos.

Hindi napigilang tumawa ni Isko sa litrato ng ‘etneb’ pesos o bente pesos kung saan sa halip na mukha ni dating presidente Manuel L. Quezon, makikita ang kaniyang mukha sa harapan samantalang kuha naman ng malinis na kalsada sa Divisoria naman ang nasa likod.

Samantala, isang netizen naman ang na-edit ng bente pesos na nakalagay ang litrato ni dating Manila Mayor Erap Estrada, at ang picture ng diumano’y ‘dating Maynila’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?