116

By

Isko Moreno babanggain si Erap, tatakbong mayor ng Maynila

Sharing is caring!

Nagbitiw si dating Manila Vice Mayor Isko Moreno sa kanyang posisyon bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development para tangkaing mahalal bilang mayor ng Maynila.

Aminado si Moreno na magiging mahirap ang daan na babagtasin, ngunit handa siyang harapin ito lalo’t ilan sa mga posibleng makalaban ni Isko ay sina ngayong Manila Mayor Erap Estrada, dating mayor ng parehong lungsod na si Alfredo Lim, pati ang naging mayor din na si Lito Atienza.

“Nagbitiw ako bilang DSWD Usec kahapon para tumakbong mayor. Di ito magiging madali dahil lumalaban ako sa mga Goliath.” saad ni Moreno.

May naging patama rin ito kay Erap, na dating naging alkalde ng San Juan.

“Ilang beses na natin sila binigyan ng pagkakataon, tama na… baka pwede na silang bumalik sa bayan nila.” mariing pahayag pa ni Isko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?