688
ABANTE florin hilbay scarborough shoal
Oct 18, 2021 @ 13:31
By

‘Isko mahinang presidential bet’: Hilbay kumalas sa Aksyon Demokratiko, lipat kay VP Leni

Naghain ng resignation si dating Solicitor General Florin Hilbay sa Aksyon Demokratiko upang suportahan ang kandidatura sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo sa Eleksyon 2022.

Paglilinaw niya, kumalas siya sa naturang party hindi para sumapi sa ibang partido ngunit dahil sa “ethical consideration.”

Ani Hilbay, sa palagay niya kasi ay si VP Leni ang “much better” presidential candidate at hindi si Manila Mayor Isko Moreno na siyang presdiential bet ng Aksyon Demokratiko.

“I am leaving Aksyon not to join another party, but out of ethical considerations,” saad ni Hilbay sa kanyang resignation letter.

“I respect the decision of my party to choose Mayor Isko Moreno as a candidate for president, but also believe VP Leni is a much better candidate in this most crucial of elections.

Because I intend, as an ordinary citizen, to publicly support her campaign, I must resign from the only political party I have ever joined,” pagpapatuloy niya.

“We need a president who will show up, level with the people, and treat them not as objects to be subjugated but as fellow citizens and stakeholders in nation-building,” hirit pa niya.

Si Hilbay ay nagsilbing solicitor general sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong “Noynoy” Aquino III. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?