30

Mar 25, 2020 @ 13:26
By

Isko: Maging responsableng netizen; balita sa socmed, double-check muna

Muling nagpaalala si Manila City mayor Isko Moreno sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga biktima ng COVID-19.

Ayon kay Yorme, ang maitutulong na lamang ng mga taong nasa bahay ay maging maingat at responsable sa pagpapakalat ng totoong balita.

“Don’t share an information that will generate and add on to the anxiety of our people and community na walang basehan,” pahayag nito.

“May nakita tayong kagimbal-gimbal, may nakita tayong kagulat-gulat na balita – bago natin i-click and share – ‘click, read and read then research.”

Ito na lamang kasi ang bagay na maaring itulong ng sambayanan upang hindi na makapagpalala pa ng social panic sa komunidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?