427

Oct 8, 2021 @ 17:47
By

Isko kay Robredo: Pekeng pinuno na may pekeng kulay

Tinawag ni Manila Mayor Isko Moreno si Vice President Leni Robredo na “fake leader with a fake color”.

“‘Wag kayong malilinlang sa pagpapalitan ng kulay… Ang tanso, tubigan man ng ginto ay tanso pa rin,” pahayag ni Moreno.

“A fake leader with a fake color is a fake character,” dagdag niya.

Matatandaang imbes dilaw, na trademark ng Liberal Party, nagsuot ng pink at asul si Robredo nang ideklara niya ang pagtakbong pangulo sa 2022 national elections.

Sinabi ito ni Moreno matapos ibunyag ni Robredo na hindi nagtagumpay ang unity talk sa Manila mayor dahil sa paninindigan nito sa pamilya Marcos.

Ayon kay Moreno, magtutuon ang kanyang administrasyon sa mga Pilipino at hindi sa tatlong dekada nang labanan ng mga political family.

“Ang away ng mga pamilyang ‘yan walang dinulot na buti sa ating bayan. Sila ay tumatakbo para maghiganti sa isa’t isa. Sila ay tumatakbo dahil sa kulay ng kanilang politika,” wika niya.

“Pagod na ang mga tao sa away ng mga politika nila… Kung sila ay hindi nag-aaway sa loob
ng tatlong dekada, malamang wala tayo sa kinalalagyan nating kahirapan,” dagdag niya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?