48

Sep 8, 2021 @ 17:40
By

Isko kay Duterte: Sibakin walang malasakit na gov’t official

Umapela si Manila Mayor Isko Moreno kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na ang mga opisyal ng gobyerno na walang malasakit sa mga tao sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Namamatay ang tao, brad, nangangamatay ang tao. Ako nananawagan… gusto n’yo lumuhod pa ako. Nananawagan ako sa inyo Mr. President tanggalin ninyo ‘yung mga taong walang malasakit sa kapwa niya.

“Kaya ako Mr. President, nakikisuyo lang, we still have eight months. I don’t want to teach you what to do pero nakikiusap lang kami. Nakikiusap lang Mr. President na tanggalin mo na ‘yung talipandas na kawani ng pamahalaan. ‘Yung walang malasakit,” aniya.

Muling ipinahayag ni Moreno ang pagkadismaya sa pagbili ng gobyerno ng mga overpriced na face shield sa halip na gamot kontra COVID-19.

“Bilyon ang ginastos ninyo sa plastic na walang bisa pero wala tayong remdesivir, tocilizumab. Ni hindi ninyo maibigay ‘yung marapat sa health worker. Tapos kung makapag-Pharmally kayo para kayong family,” saad niya.

Inulit din niya ang pagkontra sa face shield.

“‘Wag na kayo makipagkulitan sa akin. Walang bisa ang face shield, bakit ba ‘yan pinipilit n’yo? Gamot, gamot, gamot ang kailangan ng tao. Umiiyak ang mga nanay, ‘yung anak nila severe, umiiyak mga anak, apo, tiyuhin nila, kaibigan nila ‘di mabigyan ng tamang lapat tapos ito politika,” sambit pa ng alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?