120

Jun 23, 2022 @ 23:00
By

Isko idineklarang special non-working holiday ang June 30 para sa BBM inauguration

Idineklara ni Mayor Isko Moreno bilang special non-working holiday sa Maynila sa June 30 para sa panunumpa ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na gaganapin sa National Museum.

Nilagdaan ni Moreno ang Executive Order No. 53 na nagdedeklara sa June 30, 2022 bilang special non-working holiday sa City of Manila upang matiyak ang kaligtasan, seguridad at proteksyon ng mga kalahok sa napakahalagang kaganapang ito.

Inanunsyo rin niya ang pagsasara sa iba’t ibang lansangan sa loob ng perimeter ng venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?