32

Oct 12, 2021 @ 17:18
By

Isko hindi Marcos apologist – Aksyon Demokratiko

Ipinagtanggol ng isang opisyal ng partidong Aksyon Demokratiko ang kanilang standard-bearer na si Manila Mayor Isko Moreno kaugnay ng paratang isa itong Marcos apologist.

“Our standard bearer is not a Marcos apologist, is not pro-Marcos,” pahayag ng chairman ng partido na si Ernest Ramel Jr.

“He categorically said that what were bad during the Marcos years won’t happen during his administration. He won’t tolerate abuses, he won’t let cronyism or plunder of the coffers happen again,” dugtong pa niya.

Ang pahayag ni Ramel ay kaugnay ng sinabi ni Bise Presidente Leni Robredo na hindi nagtagumpay ang unity talks nila ni Moreno dahil sa pagkakaiba ng kanilang posisyon sa isyu ng Martial Law at ng mga Marcos.

Matapos maghain ng certificate of candidacy si Robredo sa pagkapangulo ay lumikha ng ingay ang mga netizen para hilingin kay Moreno na umatras sa pagkapangulo o tumakbong bise na lamang ni Robredo.

Ngunit matibay na ang desisyon ni Moreno na tumakbo katambal si Dr. Willie Ong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?