26

Nov 24, 2021 @ 15:04
By

Isko hindi ikinahiya pagiging sexy star

Inamin ni presidential candidate at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi nito kinakahiya ang pagtanggap sa ilang sexy roles noong siya ay nagsisimula pa lamang sa industriya ng showbiz.

Sinabi ni Isko sa panayam sa DZMM na hindi niya kinakahiya maging sa kaniyang mga anak ang pagiging sexy star noon.

“Iyon naman ay hindi ko ikinubli, hindi ko ikinahiya magpasa hanggang ngayon kahit sa mga anak ko,” ani Isko.

Dagdag pa niya, ang pag-arte ang nagpaangat sa kaniyang buhay at nagpakain sa kaniyang pamilya.

“Ang sinasabi ko, ang pagaartista ay isang disenteng propesyon at ito ay bumuhay sa atin for quite some time. ‘Yan ang nagpaangat sa katayuan ko sa buhay,” pahayag nito.

Aniya, nitong mapasok siya sa politika, alam niyang ginawa niya ang lahat para makapaglingkod sa bayan.

“Pinagbuti ko naman ang trabaho ko for the past 20 years and last two years as being mayor of Manila, modesty aside, in my own little way. Hindi ko nga alam anong tinitignan nila sa brief ko eh,” pagbibiro pa nito. (Sherrylou Nemis)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?