283

Oct 6, 2021 @ 21:50
By

Isko: Hindi ako NPA

Pinabulaanan ni Manila Mayor Isko Moreno na miyembro siya ng New People’s Army (NPA).

“‘Yung mga nagsasabing NPA, hindi po ako NPA,” pahayag ng mayor sa Facebook Live nitong Miyerkoles.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang mga larawan ni Moreno na kasama si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison.

Ani Moreno, nabigyan siya noon ng pagkakataon na makadalo sa peace talks sa Netherlands, Oslo at Rome kaya nakilala niya si Sison.

“Na-meet ko ‘yan sila Joma, Fidel, mga taga-gobyerno, mga militar. Nakikinig ako doon so meron akong mga natutunan,” sambit niya.

“‘Yung mga spin master o ‘yung mga bata ng mga politiko. Hindi nila pinapakita ‘yung picture namin ng military. Kina-crop nila ‘yun eh,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?