1,425

Oct 26, 2021 @ 15:40
By

Isko hinamon IATF: Idemanda n’yo DENR

Nanawagan sa IATF si Manila Mayor Isko Moreno na magsampa ng kaso laban sa mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay sa overcrowding sa dolomite beach sa Manila Bay.

Sinabi ni Moreno na ang DENR ang may kontrol sa lugar.

“I am calling IATF: Charge those people in DENR violating our rules. If we cannot implement it in their offices, then there is no point to implement it sa mga taumbayan,” aniya sa panayam sa ANC.

Sa isang briefing sa Palasyo, inamin ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na nagkulang ang kagawaran pero agad naman daw naaksyunan.

“Sinasabi nila na nagkaroon ng violation ng social distancing. Immediately, na-address po ‘yan. Nagkulang ng kaunti pero naagapan po,” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?