431

Dec 6, 2021 @ 18:31
By

Isko gustong ampunin si Duterte

Bukas umano si Manila Mayor Isko Moreno na ampunin si Pangulong Rodrigo Duterte sa senatorial slate ng Aksyon Demokratiko.

Paliwanag niya, maraming nagawa ang Pangulo kabilang na ang “Build, Build, Build” program kaya kuwalipikado raw ito sa Senado.

“Bakit hindi? Hindi natin puwedeng tawaran ang kaniyang kakayanan. He is a qualified candidate for the Senate,” sambit niya.

“In this case kasi, bukod sa iboboto ko si President Duterte, I would love him to be part of the slate as a guest candidate simply because wala na siyang opisyal na kandidatong presidente. Nag-withdraw na si Senator Bong Go eh, kaya in line with our belief pa rin,” dugtong niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?