7

Jul 30, 2020 @ 14:47
By

Isko ginawang contact tracer mga health center personnel

Mayorya ng mga health center sa Maynila ang pansamantalang ipinasara ni Mayor Isko Moreno para magamit ang kanilang mga personnel sa contact tracing sa komunidad upang matukoy ang mga infected ng COVID-19.

Sinabi Moreno na sa sandaling pumunta ang mobile serology testing clinic ng siyudad sa isang barangay nangangahulugan aniya na mataas ang bilang ng COVID-19 sa isang lugar.

“Para `di kayo maligaw, eto ang susi. Bibigyan ko kayo ng tip para handa tayo. Kapag ang mobile serology testing natin ay bumaba sa barangay ninyo, isa lang ang ibig sabihn nyan — may matas kayong impeksyon nag-positibo at validated na COVID cases sa inyong komunidad,” ayon kay Moreno.

“Mag-alala kayo ng kaunti dahil hindi kami pupunta dun kung walang basehan na data,” sabi ng alkalde.

Tiniyak ni Moreno na ang mga contact tracer ay mayroong sapat na basehan sa kanilang mga nakuhang impormasyon at isasagawa ito ng mga medical professional ng siyudad.

Nabatid na dalawang mobile clinic ang iikot sa mga komunidad na mayroong mataas na kaso ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?