188

Feb 20, 2021 @ 22:12
By

Isko, Erap nagkrus ang landas

Masayang ibinalita ni Manila Mayor Isko Moreno na nagtagpo sila ng dating alkalde ng lungsod na si Joseph “Erap” Estrada.

Sa Facebook post ni Moreno nitong Sabado, makikita ang pag-shake hands ng dalawa habang nasa loob ng simbahan.

“Akin pong ikinagalak nang sa isang kasalan ay muli kong nakatagpo ang dating alkalde ng Maynila, si dating pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada,” sabi ni Moreno.

Ikinatuwa rin ni Moreno na mabuti ang lagay ng kalusugan ni Estrada ngayong pandemya.

“Kinumusta ko po siya, at kinumusta rin niya po ako. Ako po ay nagalak sa kanyang mabuting kalusugan lalo na sa panahong ito ng pandemya. Yan din naman po ang panalangin ko para sa lahat ng mga Batang Maynila at mga Pilipino, ang manatiling ligtas sa pandemya at anumang karamdaman lalo na sa panahong ito,” dagdag ni Yorme Isko.

Sa huli ay nagbigay siya ng mensahe kay Estrada, “Kay dating Pangulong Erap, God bless you po. Stay healthy and safe.”

Matatandaang nagpatutsadahan ang dalawa nang maging magkatunggali sa 2019 mayoral elections.

Pero matapos ang kanyang landslide win sa Maynila ay nag-courtesy visit si Moreno kay Estrada sa Mayor’s Office, na anim na taong hinawakan ng huli.

 

Akin pong ikinagalak nang sa isang kasalan ay muli kong nakatagpo ang dating alkalde ng Maynila, si dating pangulong…

Posted by Isko Moreno Domagoso on Saturday, February 20, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?