69

Oct 4, 2021 @ 14:56
By

Isko, Doc Willie naghain na ng COC

Talagang wala ng atrasan ang Moreno-Ong tandem sa May 2022 elections.

Naghain na kasi sina Manila Mayor Isko Moreno at Dr. Willie Ong ng kanilang certificate of candidacy bilang presidente at bise presidente sa susunod na taon.

Naghain ang dalawa ng COC sa Comelec sa Harbor Garden Tent, Sofitel Philippine Plaza Manila ngayong Lunes.

Tatakbo ang dalawa sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?