11

Oct 29, 2020 @ 15:13

Iskedyul ng PBA bubble aayusin

Clark Smart Giga City – Nagkaroon ng kanselasyon sa ilang naka-schedule na games, gumagawa ng adjustment ang PBA para matapos ang eliminations sa Nov. 11 target at buong Philippine Cup na hindi lalagpas sa Dec. 15.

“Gagawa ulit kami ng bagong schedule,” ani commissioner Willie Marcial. “Aayusin namin para ma-move sa later part ng eliminations.”

Hindi dumating ang inaasahang go-signal ng IATF ng alas-12 ng tanghali ng Miyerkoles kaya kinansela ng PBA ang dapat ay laro ng Magnolia at Blackwater ng 4 pm sa Smart 5G-powered AUF Arena.

Martes ng gabi pa raw hinihintay sa Pampanga bubble ang abiso ng IATF.

Pangatlong laro ang Hotshots-Elite na nakansela sapul noong Linggo, parehong araw nang mag-positive sa COVID-19 ang isang player ng Blackwater. Ini-scratch ang Rain or Shine-Elite game noong araw na ‘yun pati ang NorthPort-TNT game kinabukasan, Lunes.

In-isolate ang Elite player at buong team, gayundin ang Tropang Giga dahil nakalaro nila ang Blackwater noong Huwebes.

Negative sa confirmatory tests ang Blackwater at TNT squads, pati ang Elite na unang nag-positive.

May ilang bagay din sa loob ng bubble na binago.

“Pati schedule sa gym, practices, sa swimming pool, sa weights room, sa kanilang training-training. Bago lahat ‘yun,” paliwanag ni Marcial. “Kasi paggamit sa mga ‘yun, lahat may oras sila. ‘di sila p’wedeng magsabay-sabay. Kailangan i-adjust lahat ‘yun.” (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?