101
Iskedyul, hadlang kay Jaja sa SEA Games
Apr 22, 2019 @ 16:31
By

Iskedyul, hadlang kay Jaja sa SEA Games

Gusto ni Jaja Santiago na maglaro para sa Pilipinas sa darating na 30th Southeast Asian Games.

Pero may hassle.

Hindi biro ang nakalinyang iskedyul para sa multi-awarded volleyball superstar para sa taong 2019 kabilang na ang pagsabak nito sa Philippine SuperLiga, V-Premiere League sa Japan at sa SEAG.

Halos sabay-sabay o magkakasunod-sunod kasi ang nakalatag na schedule para sa UAAP Season 80 Most Valuable Player pero kahit pa ganun ay hangad pa rin umano niyang mairepresenta ang bansa sa biennial meet.

“Sa National Team, gusto kong maglaro. Sino bang hindi gusto i-represent ‘yung country, ‘di ba?” pahayag ni Santiago.

“Pero meron pa rin akong problema kasi October ‘yung start ng season sa Japan. ‘Yung SEA Games, December. If ma-lineup ako (sa National Team), magkakaroon talaga ng problema.”

Malaking tulong para sa National team si Santiago na nais masungkit ang

asam na gintong medalya sa volleyball event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?