3,079

By

ISIS lumakas, kumalat na hanggang Visayas – Duterte

Nahaluan na ng teroristang ISIS o Islamic State of Iraq and Syria ang mga armadong grupo sa Mindanao at kumalat na sa ibang bahagi ng Visayas at posibleng maging sa Luzon.

Ito ang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pribadong pulong na dinaluhan nito sa Cebu City.

Sinabi ng Pangulo na sumapi na sa ISIS ang Abu Sayyaf at ito ngayon ang pinangangambahan dahil nangyari na ito sa Marawi City.

Aminado ang Pangulo na posibleng mahirapan ang gobyerno kung sabay sabay na sumalakay ang mga ito sa iba’t ibang mga lungsod kayat kailangan aniyang abisuhan at mag-warning sa mga mayor at mga gobernador.

“It seems as if they are already spreading. We consider them ISIS already. Contaminated na tanan. Mga Abu Sayyaf, tanan na sila, mga… (All the groups have been contaminated, the Abu Sayyaf, all of them.) — Any and all have pledged allegiance to ISIS. So they are really ISIS now and — On my part, I’m worried about what’s going to happen. It has happened in Marawi. My only worry is that they are really out, dispersed in the Visayas and maybe sa Luzon,” anang Pangulo.

Tiwala naman ang Presidente na hindi mananalo ang mga ito kaya lamang aniya ay parang hayop ang mga ito kayat kailangan ang maagap na babala sa mga lokal na opisyal.

“And kung tanungin ko lang kayo, what if they do again a Marawi thing and it is done on several cities at the same time? So diyan ako kabado. Kaya mahirapan tayo.

So nagwa-warning lang ako sa mga… sa mga mayors pati governors. I’ll do the same in Manila. No need for me to do that in Mindanao. Eh taga-roon sila eh. So Luzon might also have a — must have an early warning device,” dagdag pa ng Pangulo.

Kung sa bilang ay panalo aniya ang puwersa ng gobyerno sa mga kalaban at ang hindi lang kaya ay Improvised Explosive Device (IED) kaya kailangang makausap ang mga elected officials.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?