72

Oct 28, 2019 @ 15:21
By

ISIS leader todas sa pagsalakay ng US sa Syria

Inanunsiyo ni President Donald Trump na napatay ang lider ng Islamic State na si Abu Bakr al-Baghdadi sa isinagawang pag-raid ng Amerika sa Syria.

Isinalarawan pa ng US president ang nangyaring misyon ng Army Delta Force commandos na limang buwan na pinagplanuhan.

Nakorner aniya si Baghdadi sa isang tunnel kaya wala nang nagawa at pinasabog na lang ang kanyang sarili gamit ang suicide vest kung saan nadamay ang tatlong bata.

“The thug who tried so hard to intimidate others spent his last moments in utter fear, in total panic and dread, terrified of the American forces bearing down on him. Baghdadi’s demise demonstrates America’s relentless pursuit of terrorist leaders and our commitment to the enduring and total defeat of ISIS and other terrorist organizations,” saad sa statement ni Trump sa CNN report.

Walang nasawi sa tropa ng Amerika sa ginawang raid at ang dalawang nagtamo ng minor injuries ay nakabalik na sa duty.

Si Baghdadi ang kinokonsiderang “most wanted man in the world”.

Naglaan pa ang US ng $25 million o mahigit P1.2 bilyong pabuya para sa ulo ng ISIS leader.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?