386

Dec 19, 2017 @ 10:38
By

Isdang karpa, naglutangan sa baha sa Capiz

Sinabayan ng negosyo ng mga residente ang pananalasa ng bagyong Urduja sa Sigma, Capiz sa pamamagitan ng pagbebenta ng isdang Karpa na pawang naglitawan sa pagtaas ng tubig-baha.

Simula pa lamang noong Linggo ay abala na ang mga residente sa pagbebenta ng mga isdang karpa sa mga motorista na dumaraan sa National Highway sa Barangay Dayhagon, Sigma.

Nasa halagang P200 hanggang P300 ang isang kilo ng isda depende sa laki.

Ayon sa mga residente, ang kanilang malilikom ay pondong pambili ng mga pangangailangan matapos masalanta ng bagyong Urdujua gaya ng pagkain at iba pang pangangailangan.

Lumubog sa baha ang 13 barangay sa Sigma na sagana sa Karpa bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Sa tala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, aabot sa 4 na talampakan ang taas ng baha. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?