160

Jan 20, 2020 @ 18:42
By

Isdang galing sa lawa ng Taal, ligtas kainin – DA

Sinabi ni Department of Agriculture spokesman Noel Reyes na naglabas ng advisory ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na ligtas kainin ang mga tilapia at iba pang isdang galing sa Taal Lake basta sariwa pa ito at buhay pa nang hinuli.

Matatandaang binatikos ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas ang babala ng Department of Health (DOH) noong nakaraang ligngo na nagsasabi sa mga taong huwag bibilhin at kakainin ang mga isdang galing sa lawa ng Taal nang wala man lang pag-aaral.

Ayon sa Pamalakaya, sumadsad sa P30 kada kilo ang farm gate price ng tilapia nang pinangunahan ng DOH ang anunsiyo nito nang wala man lang kaukulang pagsuri ng mga isda na galing sa lugar.

Sabi ni Pamalakaya national chair Fernando Hicap, lumalangoy pataas ng tubig ang mga isda ngayon dahil sa maya’t mayang lindol sa lugar kaya’t madali itong nahuhuli ng mga mangingisda para na rin may makain at may pagkakitaan ngayong nawalan na sila ng mga hanapbuhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?