13

Sep 9, 2021 @ 12:39
By

Isang unibersidad sa Mindanao tatayuan ng radio station

Inendorso ng House Committee on Legislative Franchises sa plenaryo ng Kamara de Representantes ang panukala upang makapag-operate ng radio station ang University of Southern Mindanao.

Sa ilalim ng House Bill 10152, ang unibersidad ay maaaring mag-operate ng radio station sa probinsya ng Cotabato.

Isa sa mga kondisyon ng prangkisa ang paglalaan ng public service time na kasing haba ng 10% ng paid commercial o advertisement. Ang naturang oras ay ilalaan para magamit ng gobyerno sa pagpaparating ng mga mahahalagang impormasyon sa publiko kaugnay ng public emergency o kalamidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?